top of page

Meet Pastor Levi Paloma: The man behind "Voice Of the Brides"

Kamusta po kayo! Ako po si Pastor Levi Paloma. Ako po ay isang Pilipinong nag mamahal sa ating Panginoong Diyos. Laman ng aking puso na maibahagi ang kanyang mabuting balita at mensahe ng pag mamahal sa aking kapwa Pilipino.  Naniniwala po ako na ang mabuting balita at ang mensahe ng pag-ibig ng Diyos ang tunay na kelangan ng ating bansa para sa pagbabago at kaunlaran nito. Mahal ko po ang Pilipinas at naniniwala ako na muling kikilos ang Diyos upang ibunyag saatin ang kanyang tagumpay at pag ibig. Gagawin Niya ito upang sa gayon ay mamulat tayo sa katotohanan ng pag-ibig at kapangyarihan ng ating Diyos.

​

John 3:16

“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.”

​

Psalm 39:7

“But now, Lord, what do I look for? My hope is in you.”

​

Gutom ang ating bansa sa salita ng Diyos. At naniniwala ako na ang blog na ito ay maari Niyang gamitin upang maipahayag ang kanyang Salita: Ang mensahe ng mabuting balita at pagdating ng kaharian ng Diyos. Ninanais ko po na sa pamamagitan ng blog na ito ay ma ibahagi ko ang pag ibig ng Diyos at ang kanyang kadakilaan sa buhay ng bawat isa. Nag aapoy sa aking puso na maibahagi ang mensahe ng Diyos sa ating bansa lalo na sa ating mga kabataan. Ang mga isinulat ko sa blog na ito ay nanggaling sa king puso at dalangin ko na ang lahat ng babasa sa mga blogs dito ay gabayan ng Banal na Spirito ng Diyos at sila rin ay makakuha ng panibagong rebelasyon o konpirmasyon na mag papa apoy din ng kanilang pananalig sa Diyos. Sinulat ko ang blog na ito para himukin ang mga kapatid kong tagasunod ng Panginoong Hesus na mag karoon ng desire para mas lalo pang mapalapit sa ating Diyos at magkaroon ng desire upang maging “Bride of Christ”.

 

Ang aking layunin para sa aking mambabasa ay mas lalo pa nilang malaman ang kanilang pag katawag “Calling” mula sa Diyos at maexperience nila ang kaharian ng Diyos sa kanilang buhay.

​

Matthew 22:14

“For many are called, but few are chosen.”

​

Ang blog na ito ay hindi para sa mga mabababaw na kristyano. Ang aking layunin ay dalhin ang aking mambabasa sa mas malalim pa na karanasan at rebelasyon tungkol sa ating relasyon sa Diyos. Hihimukin ka ng blog na ito upang mamatay sa iyong sa sarili at matutong manampalataya ng lubos sa Salita ng Diyos. Kung ninanais mong makilala pa ng lubos ang ating Panginoon at mas lumalim ka pa sa iyong pananampalataya, basahin mo ang blog na ito. At aking dalangin ay mas lalo kapang mag apoy sa iyong pag ibig sa Diyos.

​

Matthew 22:37

“Jesus replied: "'Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.”

 

Matthew 22:39

“And the second is like it: 'Love your neighbor as yourself.'”

​

Ang karamihan sa mga nakasulat sa blog na ito ay aking sariling sulat na may inspirasyon na galling sa Salita ng Diyos at gabay mula sa Banal na Spirito. Ito ay mga rebelasyon mula sa aking pag dadasal at pag babasa ng salita ng Diyos. Nakapaloob dito ang ilang mga propesiya tungkol sa magaganap ngaung nalalapit na “End-times”. Isinulat ko din dito ang mga rebelasyon mula sa Panginoon na may layuning ihayag ang mga bagay na magaganap sa ating bansa at kung paano tyo kikilos upang makasabay sa boses ng Banal na Spirito ng Diyos. Dalangin ko sa Panginoon na mabuksan ang puso ng mga babasa sa blog na ito upang maunawaan nila ang mga bagay bagay na magaganap sa ating bansa sa mga susunod na taon. At Higit sa lahat dinadalangin ko sa ating Panginoong Hesus na mas lalo pang lumalim ang pag ibig ng mga babasa at magampanan nila ang kanilang tungkulin mula sa ating Diyos. All glory belongs to God!  I love you but Jesus loves us the most!

​

bottom of page