top of page

Paano nga ba Magtiwala ng Lubos sa Diyos?


Pumasok na ba sa iyong isipan ung tanong na “Paano ba ako lubusang mag titiwala sa Diyos?” Mababasa natin sa Bibliya na ang ating Diyos ay mabuti at tapat. Siya rin ay nangangako na mag paulan ng biyaya sa sinumang sumusunod at nananampalataya sa Kanya. Pero darating sa ating buhay na naisin nating maransan ung kabutihan at biyaya ng Diyos lalo na sa mga panahong kailangan natin ng tulong Niya. Kapag nasa panahon tayo ng pagsubok at ramdam natin ung kabigatan ng mga problema, ito rin yung mga panahon na mas malapit tayo sa Diyos.


Awit 46:1-2

“Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat”


Ang totoo naman ay hindi Niya tayo iniwan at hindi Siya lumayo. Minsan masyado lamang nabibihag ang ating isipan ng ating mga pag kakamali o problema kaya naiisip natin na lumayo satin ang Diyos. Ang katotohanan ay lagi Niya tayong inaantay na lumapit sa Kanya at tunay parin ang kanyang salita satin sa aklat ng Mateo chapter 11:28. Lagi natin isipin at alalahanin sa ating puso na handa ang ating Diyos na sumaklolo sa ating mga pangangailangan. Dalangin ko na tayong lahat ay matuto kung paano makinig at sumunod sa Banal na Spirito ng Diyos. Hinihiling ko din sa Panginoon na mag karron tayong lahat ng lakas ng loob na mag tiwala ng lubos sa Panginoong Hesus at matutong sumunod sa pangungusap ng Banal na Spirito ng Diyos sa ating mga puso.


Kung atin lamang patatatagin ang ating pananampalataya sa Diyos, makikita nga natin ng lubos ang Kanyang pagkilos sa mahihirap na sitwasyon ng ating buhay. Kapag tayo ay nanalig at sumunod sa Kanya ng buong puso, unti unting mawawala ang ating pangamba at mag kakaroon tayo ng mas malinaw pa na pagiisip tungkol sa ating hinaharap na pagsubok. Buksan natin ang ating mga puso sa malayang pagkilos ng Diyos sa ating buhay at ituon natin ang ating atensyon sa pagtugon at pagkilos ng Banal na Spirito ng Diyos.

Juan 14:26

“Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.”


Lagi natin panghawakan ang pagpapakilala saatin ng Diyos na Siya ay mabuti at tapat. Ipinakilala Niya ang Kanyang sarili satin bilang ating mabuting Ama. Walang magulang ang makakatitiis sa anak. Kung atin lamang bubuksan ang ating mga puso sa pagkilos ng Diyos, ilalahad Niya satin ang ating tunay na kakayahan upang mag tagumpay sa bawat pag subok. Ipapakita Niya saatin ang mga bukas na pintuan ng oportunidad upang masolusyunan ang ating mga pagsubok o problema. Kailanman ay hindi mag kukulang ang ating Diyos. Kaya iwaksi na lamang natin sa ating isipan ang lahat ng mga bagay o ideya na magiging hadlang sa ating pananalig sa Diyos. Alisin natin sa ating isipan ang mga negatibong bagay at tayo ay manatiling nakatuon sa pagkilos ng Diyos sa bawat sitwasyon.


Habang nangungusap sa atin ang Diyos at tayo naman ay nag mamasid sa Kanyang pagkilos, mas malo nating natutuklasan ang Kanyang kabutihan. Mas lalo din nating nakikita ang Kanyang kapangyarihan at kadakilaan. Ang mga ganitong karanasan ang mas magpapatibay ng ating pananampalataya at pag-ibig sa Kanya. Marami pa tayong pagsubok na haharapin habang tayo ay nabubuhay sa mundong ito. Ngunit nakakatitiyak ako na sa lahat ng iyon ay sasamahan tayo ng ating Panginoon na tapat na nag mamahal at nag mamalasakit sa atin. Wala tayong dapat ikatakot dahil hawak tayo ng ating Amang nasa langit. Alalahanin natin ang Kanyang pangako na kung tayo ay hihiling sa pangalan ng Kanyang bugtong na Anak na si Hesus, ito ay Kanyang ipag kakaloob sa atin. Huwag nating isipin na tayo ay nag iisa dahil nandyan ang presensya ng ating Panginoong Hesus upang tayo ay maging matagumpay sa ating buhay. Ang kanyang pag-ibig ang ating magiging kalakasan!


Deuteronomy 7:9

“Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi.”


Maraming salamat po sa inyong pag-basa, nawa ay na blessed kayo at mas lalong mapalapit sa ating Diyos!


Jesus Loves the Philippines
Recommanded Reading
Send a Love Gift or Donate
Follow "THIS JUST IN"
  • Facebook Basic Black
  • Twitter Basic Black
  • Black Google+ Icon
bottom of page